Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear My Future.
October 9, 2021 nakilala ko yung taong nag bago sa mindset ko para mag patuloy parin sa buhay. Oct 8, 2021 may call kami sa gc non ng mga barkada ko. May nireto sakin barkada ko na lalaki, unique yung name be, nung una curious ako, gwapo raw e at matalino. Tinanggi ko naman na magugustuhan ko siya at deserve ko siya. Oct 9 that night dun ako nakaram*** ng saya na d ko pa naranasan sa kahit sayo. Butterfly akala ko keme lang na gwapo. Gwapo siya hindi ko muna pinansin syempre pakipot si gaga baka sabihin masyadong malantod at marupok pero alam ko sa sarili ko na gusto ko na siya, love at first sight ika nga. Ran*** ko rin na magiging masaya kami e. Nung una nag hehesitate ako na baka iwan lang ako, lokohin bigyan ng trauma. Bawat araw ram*** ko yung saya at kilig, dun ko lalo siya ginugusto kung paano niya ako tulungan sumaya at kalimutan yung mga bagay na nag papahirap sakin araw araw. Sumasaya ako bawat araw nananjan siya, kasi pakiram*** ko ma kakampi ako, ma karamay ako at may sasalo sakin pag nadapa ako. Mga barkada ko pinupush nila ako na sagutin ko na kasi pwede naman raw mag heal habang kasama mo siya. December 16, 2021 sinagot ko yung taong parati kong pinag dadasal na sumaya rin siya katulad ko, yung taong naging lakas ko para mabuhay ulit, yung taong naging daan sa pag angat ko. Kita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya nung gabing yun. At yun rin ang pinaka masaya at memorable na araw para sakin. Sumusugal ako kahit d ko alam kung kami ba talga, araw-araw kong pinag dadasal na sana last na to ayoko na, tama na yung sakit. Nag tiwala ako sa kabila ng sinabi niya na d niya gagawin, na naikwento ko kung paano ako nawala sa lahat kung paano ako nag bago kaya ako nasa baba. Nag sleeptalk siya na wag ko siyang iiwan at mahal na mahal niya ako. Sa totoo lang kahit d niya sabihin gagawin ko. Nangako ako sa kanya at sa panginoon na d ko iiwan tong taong to kahit anong mangyare. Andami kong ginwang pangako na hanggang ngayon tutuparin ko kahit nakakapagod. D ako sumusuko kasi ready ako sa lahat nung pinapasok ko siya sa buhay ko. March dun na kami nag kagulo pero alam mo yon? D nawala yung pag mamahal mo kahit d kayo ayos, pinipilit mong ayusin kasi ayaw mong mawala yung taong yun. Na walang perpektong relasyon, malalampasan nyo yan mahal nyo yung isat isa. Pero d ko maiwasang d mag selos, maganda siya talgang maiingit ka, nakakasama niya. Pwede ko siyang ipag palaam sa totoo lang kung aayain niya ako, welcome siya sa bahay namin, tanggap siya ni mama at tatangapinn siya ni papa. Habang nagugulo kami may family issue rin ako non. To the ppoint na naging toxic at immature ako, ilang beses akong nag sorry at nag makaawa na wag niya akong iiwan pero ginawa niya. Anlaki ng tiwala ko. Nung bumalik siya nag selos ulit ako kasi gusto ko mag karoon kami ng quality time sa isat-isa. ANtanga ko rin sa part na d ko inisip na nasasakal ko na siya kaya ganon o nasasaktan ko na siya. Na kahit ganto ako d niya ako iiwan nag tiwala ako sa kabila nang d mawala sakin na baka ulitin niya ulit, at nagawa niya nga. April 10 , 2022 iniwan niya ako kahit alam niyang kailangan ko siya non.3 days after ng break up namin, naospital ako. Acidic, Uti asthma and anxiety. Mapapatanong ka na lang sa sarili mo paano mo nalagpasan yun? Still thankful ako kay lord. Ang hirap. Nasa E.R ka habang kinukuha blood pressure mo at yung heart rate mo napatanong sakin yung nurse "hija, ayos ka lang ba? Nag papalpitate ka at nanginginig ka." Hindi ko masabi na d ako okay. Tinwag niya yung doctor at tinanong ako kung kelan pa huling tulog ko. 5 days straight wala akong tulog. Ni isang minuto d ko napag pahinga sarili ko. Nanginginig ako kasi takot ako sa tao. Nakakatrauma sa totoo lang. Chineck nila ako, guess what nakita yung laslas ko. Mismong doctor na nag sabi sakin may anxiety ako. Nakiusap ako na wag sabihin sa magulang ko dahil kaya ko naman to. Pinainom akong tubig para makaihi ako palaboratory ihi ko. inatake ako ng hika ko. ALam mo yung lahat asthma, acidic tas uti and anxiety mo nag sabay sabay. Napaupo ako sobrang kirot, d mo alam kung anong uunahin mong hawakan, dibdib ba , tiyan o yung sa may bandang tagiliran mo. Tinurukan ako ng pampakalma at pag patulog, shuta andaming gamot na tinurok sakin. 3 days akong nasa ospital. Walang ginawa kundi matulog at kumain lang. Pag uwi ko sa bahay d ako nag sasalita. Nag tanong si mama ano bang nangyayare sakin. Iniwas ko yung sarili ko sa tao sa kagustuhan kong gumaling. Nakakatrauma. Pero d ako nagalit. Pero yung time na yon napapaisip ako kung yun na ba yung araw ko e tatanggapin ko, kesa mabuhay akong nag hihirap rito. Sakto holy week nag dasal ako, nag reflect ako sakin at saatin. Nag pagaling ako dahil gusto ko pag haharap ako sayo ulit d nako mahina d nako susuko. Tinulungan ako ng bestfriend mo. Gumaling ako. Nag sorry ako sa bff mo sa nagawa ko. Inamin ko lahat walang kulang yun oyy HAHAHAHA. Habang tumatagal mas lalo pa kitang minamahal at mas lalo pakong diterminadong ayusin ulit at wag nang gawin ang pag kakamali. Debut ko binati mo ko pero akala ko pupunta ka hinahanap ka ni mama sa totoo lang. Bawat suko ng function hall tinitignan ko. Pag tapos ng debut ko hinanap ka nila. Habang nag iinuman kami, hinahanap ka. D ako makasagot. Nakakagulat dahil tanggap ka nila. Sa ngayon ang dapat ko lang munang gawin ay puntahan at kausapin ka. D ako titigil na d ka maibalik at wag nang pakawalan pa. Nag bago ako. Gaya ng gusto mo. D ako susuko Mahal ko.
Epilogue
over 2 years latertanga...
This user has written an update to this letter.To see what they wrote, please
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?